Ito
muli ang pangalawang bahagi ng talaarawan ni Werdnakram tungkol sa mga bagay sa
universe. Mga bagay na hindi tayo pamilyar.
Ano
ang cosmos? Ano ang posibleng nangyari kung naging mas mabilis o mas mabagal
lang ang Big Bang? Totoo ba ang Big Bang? Ano pa ang mga ano pa?
Ibabahagi
ko sayo ang mga nilalaman ng limang araw na diary ni Werdnakram.
Ikaanim na araw. Ang cosmos ay ang masungit na kalawakan. Ito ay tahanan
ng pinakasalungat na kapaligiran na maaari mong maisip. Nakakasunog ang apoy
dito na reaksyon mula sa nagbabanggaang mga bituin sa universe.
Matagal
na panahon nang inaaral ng mga astronomers ang bituin at planetang nakapaligid
sa ating planeta. Napag-alaman pa nga noon na minsang nagkaroon ng life forms
sa Mars. May mga tumira kaya talaga doon dito?
Naisip
ko, siguro sila yung mga extraterrestrial beings. Sila ay mga aliens na tulad
natin nakatira sa isang life-sustaining na planeta. Totoo kaya? Ang kanilang
existence ay matagal na ring inaaral.
Sa
tulong ng mga digital receivers para makasagap ng radio traffic mula kalawakan,
sinusubukang pakinggan ang mga aliens. Ang Search for Extraterretrial
Intelligence (SETI) ang nangunguna sa mga pagsasaliksik na ito. Wala pang
naging matagumpay na proyekto ang SETI dahil talagang napakahirap ng pagsagap
ng signal para sa research na ito. Gaano pa kaya katagal bago maintintindihan
ang mga signals at marinig ang extraterrestrials?
Marahil
mas advance pa sila kaysa sa atin. Ang mahalagang kaalaman na meron tayo ngayon
ay mayroong mga nilikha na tulad natin na may kakayahan ding mag-isip. Ayon nga
kay Stephen Hawking, ni siya o tayo ay hindi nag-iisa sa kalawakan. Dahil nga
sa mga nilalang na ito…
Ikapitong araw. Dito ipinaliwanag ang implasyon ng “bang” sa big
bang na nagbunga ng uniformity ng kalawakan. Meron nga ba talagang big bang na
nangyari? Maaari nga kayang nabuo ang universe mula sa rehiyon ng false vacuum
na nakabuo ng bubble universe matapos ang half-life nito? Kung totoo namang
maraming space, siguro marami pang bubble universe ang mabubuo.
Ikawalong araw. Gumana ang imahinasyon ni Werdnakram nang maisip
niya ang posibilidad na makausap niya tungkol sa “hyperspace”ang isda sa lagoon
ng PUP. Alam kaya nila ito? Tulad kasi ng tao ang isda, nandito tayo sa Earth,
sila naman nasa dagat o tubig. Hindi nakikita ng mortal nating mga mata ang
universe na nasa itaas natin. Ang hyperspace na ito ang palaisipan sa likod ng
Theory of Everything ni Albert Einstein. Sa katunayan, nabigo itong matapos
kaya ito ay “unfinished theory”.
Ikasiyam na araw. Mahalaga ang ugnayan ng kosmoloya at siyensya. Ano
ang mga sinasabi ng String Theory? Ano ang quantum gravity? Ano ang principle of
self-organization? Ipinapaliwanag ni Werdnakram ang mga ideyang ito ng
siyensya.
Ikasampung araw. May mga astronomical mysteries tulad ng dark matter
particles na nakasabit sa galaxy dahil sa gravity. Sinusukat ito ng mga
underground detectors. Ngunit, natuklasan ding bumibilis ang paglawak ng
universe kaya mahihirapan ang mga astronomers sa pagtuklas nito.
Matapos
kong basahin ito, napaisip ako, paano nga kaya nagkaroon ng Big Bang theory at
konsepto ng space-time? Maraming teorya ang mga scientists ngunit di pa tayo
malapit sa sagot.
Baka
ikaw ang susi sa kaunawaan kung ano talaga ang Big Bang, kung ilan ang mga
bituin, at kung totoo ang mga aliens. At malay mo, ikaw na rin ang makatapos ng
unfinished theory!
Like and Share!
Author's Facebook Page: www.facebook.com/iamwerdnakram/
Like and Share!
Author's Facebook Page: www.facebook.com/iamwerdnakram/

Comments
Post a Comment