Helping a Friend: My Book Review of "Werdnakram Chronicles"



Ang librong ito ay istorya ng paglalakbay, na may kwentong pag-ibig din. Isa itong “spin off” story. Ibig sabihin, hindi ito parte ng “Ang Pakikipagsapalaran ni Werdnakram” series. May mga nadagdag na karakter. Sino ang mga bagong makakasama ni Werdnakram? Alamin sa pagbabasa ng librong ito!

Saan ka pa dadalhin ng imahinasyon mo? Narito ang mga interesting adventures sa buhay ni Werdnakram gamit ang tatlong uri ng travel timelines at ang kanyang space-time machine.

Earth Adventures. Sa fixed timeline. Nagsimula ang kanyang pagkauhaw sa karunungan nang makilala nya si Albert Einstein at ang “unfinished theory” nito noong bata siya. Inalam nya sa pamamagitan ng mahabang pananaliksik ang posibilidad na makapag-travel through time.
Taong 2013, naimbento nya na ang time machine. Ang mga formulas ay binigay sa kanya ni Einstein upang magawa ang space-time machine. Gusto mo din ba makausap si Einstein? Ang super genius na scientist!

Space Adventures. Sa tulong ni Ruach Elohim, voice-activated supercomputer, naglakbay siya kung saan-saan at sa magkakaibang timelines .

Matagumpay na nakakuha ng holeiitic samples mula kay Ruach Hakkodesh sa Easter Island. Nalaman nya mula kay Al Bielek ang teleportation at invisibility. Kailangan nya ito upang mailigtas nya ang mga tao at si Moai mula sa mga aliens na nang-kidnap noon.

Alternate Timeline. Noong April 6,1985,pinanganak ni Josephine si Marko. Inoperahan ang lower rib fracture ng bata. Tinanggal ang nabaling rib at pinalitan ng artificial stainless metal rib. Samantala, pitong taon ang lumipas, pinanganak naman ni Rowena si Jessica na may rib fracture din. Ang buto galing kay Marko ang ginamit at pinalit sa nabaling buto ni Jessica. Nailigtas ang buhay ni Jessica.

Taong 2014, nagpakita siya kay Jessica para sabihing hanapin si Marko.

Si “Marko” ang anti-particle self ni Werdnakram. Kailangan nya si Marko para magawa ang antimatter fuel para sa space-time machine.      Pinuntahan niya si Marko sa Corinthian Gardens taong 2039 kung saan nag-cecelebrate naman ng birthday ang kanyang apong si Beverly. Ikinasal nga pala sila ni Jessica. Nagkatuluyan sila matapos sabihin noon ni Werdnakram na hanapin nya si Marko.

Oh diba, may adventure na, may love story pa si Werdnakram.

Matagumpay na nakagawa ng energy fuel si Marko at Werdnakram. Kaya naman nagpatuloy ang paglalakbay niya. Ano ang natuklasan ni Werdnakram sa Easter Island sa future? Maililigtas ba niya ang kinidnap na si Moai?

Ang kailangang gawin ay ang geomagnetic reversal o ang pag-reverse ng ikot ng core ng Earth. Bakit? Para mag-error ang mga engines ng mga aliens. Lalabas din ang mga hidden portals. Paano nga kaya nahanap nila Werdnakram ito sa Bermuda Triangle? Marami pa siyang pinagdaanan bago marating ang Atlantis, ang teritoryo ng mga aliens, at bago mapagtagumpayan ang misyong iligtas ang Easter Island.

Multiverse. Meron palang side effect ang pagta-travel ni Werdnakram. Nag-activate muli ang Varicella-Zoster Virus o bulutong –tubig sa kanyang katawan kaya pala siya nangangati. Nagpagamot siya. At na-inlove din kay Missy Ember na kanyang doktor. Nagpakasal sila at nagkaroon ng anak. Sila Beverly at Hannika.    

Sa buhay, hindi laging masaya.Ganun din si Werdnakram kahit panay ang travel niya. Malungkot nga lang nang magkasakit at tanggalin ang puso ni Missy. Nilipat ito ni Werdnakram sa babaeng mapapangasawa ng other self nya. Binigay niya ang puso ni Missy kay Jessica sa pag-travel nya sa future. Pabalik-balik siya sa alternate timeline para sa anak nya at kay Missy Ember.


Naglakbay siya sa future para turuan ang kanyang descendants,ang kanyang mga apo, upang mailigtas ang space-time universe mula kay Darknakram na maghahasik ng lagim. Kinuha nya ang kanyang anak at apo sa future. At nag-travel pabalik sa nakaraan…nabuo muli ang kanyang Royal Family!

Like and share!
Author's Facebook Page: 
www.facebook.com/iamwerdnakram/

Comments