Di
nga imposible na may mga iba pang nilalang sa universe. Kung katulad kita na
naniniwalang may aliens nga, ipagpatuloy mo ang pagbabasa nito. Ibabahagi ko
sayo ang ilan sa mga kwentong alien ni Werdnakram na kukulit sa imahinasyon mo
at magpapatawa sayo.
Itinatago
ng Amerika sa Area 51 ang mga impormasyon tungkol sa aliens at UFO sightings.
Maraming witnesses ng UFO sightings na sa mundo at maaaring makapagpatunay na
totoo nga sila.
Dating
tauhan si Werdnakram dito ngunit nakatakas sya. Pinag-eksperimentuhan niya ang
kanyang sarili upang mag-reincarnate sa ibang identity. At ngayon, nasa
Pilipinas na siya.
Ito
ang ilan sa mga naitalang rekord at impormasyong makakapagtunay na totoo ang
mga aliens. Tignan mo kung kailan sila nagsimulang magparamdam sa atin. Ito ang
ilan sa mga naitala:
1999.
Isang UFO ang nasaksihan ng GOES-8 observational satellite sa close earth
orbit. Ang larawan nito ay biglang nawala sa internet dahil nga itinatago sa
mga tao ang mga impormasyon sa mga aliens.
1965.
Naganap ang Great Northeast Blackout matapos ang daan-daang UFO sightings sa
Northeast U.S.
Ang
mga aliens nga kaya ang may kagagawan ng kadilim sa siyudad? Patuloy itong
inimbestigahan lalo nang maulit ang malawakang blackout noong 2003. Sa
pagkakataong ito, sa United Kingdom naman. Ngunit, sinasabi na problema lang sa
kuryente ang insidente kaya wala raw itong kinalaman sa mga aliens. Ano kaya
ang totoo?
Maliban
sa alien reports sa librong ito. Isinali ni Werdnakram ang mga nakakaaliw na
katha nya. Matatawa ka talaga dahil sobrang nakakarelate at sa mga bitaw ng
linya ni Werdnakram!
Tulad
ng mga nakakaaliw na realidad noong 2004 sa Pilipinas: pagtaas ng pamasahe at
isnatsers. Ang Toy Let Confessionals (conversation ng digestive system mo
habang ikaw ay naglalabas ng sama ng loob… sa banyo). Listahan ng advantage at
disadvantage sa pagsakay ng MRT. Ang mga featured na gifted child sa mga
commercial ng gatas at kung paano kaya kung street children naman ang
ma-feature. At ano ang “pangarap na
sumaya” at ang “tunay na kasiyahan” ng isang tao?
Naikwento
rin ni Werdnakram ang tungkol sa kanyang propesor sa Physics na may hawig daw
kay Einstein. Lubos ang kanyang paghanga at pagsaludo sa kanyang propesor dahil
sa talino nito na tila isang naglalakad na libro ng Pisika!
Nabanggit
nya din ang mga patok na jeep. Yung mga makukulay at may soundtrip pa. Naalala
ko tuloy yung papuntang stop n shop na jeep sa pagpunta ko sa Piyupi, parang
tumatalbog ka na sa lakas nung tugtog ni manong!
Nabanggit
nya din ang Big Bang Theory. Ang pagkahilig niya sa music. Ang iba’t ibanguri
ng musika. Ang istoryang salawal. Ang mga nakakatawang tanong na maaaring
maglaro din sa isipan mo tungkol sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni
Jose Rizal. At ang karanasan niya sa Piyupi kung saan hnindi
na bago ang mga aktibista.
Marami
pang werd at funny punchlines, kwento at inserted na kalokohan sa librong ito.
Lumabas ang pagka-witty ni Werdnakram dito kaya naman nakakatuwa talagang
basahin.
Sabay-sabay
na maaliw sa pagbasa kasama ang iyong mga kaibigan!
Author's Facebook Page: www.facebook.com/iamwerdnakram/
Author's Facebook Page: www.facebook.com/iamwerdnakram/

Comments
Post a Comment