Helping A Friend: My Book Review of "Reincarnation of a New Born Pride"


Disclaimer: Ang mga ideya sa book review na ito ay mula sa orihinal na akda at binuod lamang kasama ng aking review. 

Aspiring scientist ka man o hindi, natural sa tao ang kuryosidad tungkol sa ating existence at maging sa universe. Maaari tayo maging siyentista. Maaaring tayo ang makadiskubre ng mga “unknown” pang bagay sa universe.

Ibabahagi ko ang ilang main points na nakuha ko sa librong Reincarnation of a New Born Pride.

Ito ang mga scientific facts sa wikang Ingles na nabanggit sa libro:

Pseudoscience. It can be harmless and dangerous as well. This kind of pseudoscience includes statements that sound scientifically-based, but actually are opinions disguised as a fact.

Antimatter. It is the most powerful source of energy known to man. A single gram of it when comes contact with anything can ignite.

Thinking deeply, I realized. How dangerous could it be? Can it be the world’s most deadly weapon?

Medyo seryoso lamang ang pagkukwento ko, hindi tulad kung babasahin mo ang libro na talagang magpapatawa sayo. Habang ang utak mo ay punong-puno ng pagtataka,tatawa ka naman sa mga pun at nakakatawang kwento ng librong ito.

Sige, simulan natin ang pagtuklas sa mga “unknown” na mga bagay noon.

Sa unang bahagi, narito ang aliens.

Si Kenneth Arnold ang unang nakakita ng UFO. Sa paghahanap ng nag-crash na U.S  Marine Corps C-46, inakala noon na mga eroplano ding naghahanap sa pakay ang mga UFO. Ngunit, ito ay bilog, walang buntot, at umiikot sa himpapawid. Agad na kumalat ang report na ito, ang unang UFO Sighting.

Si George Adamski na 62 taong gulang ang nagsabi na nakausap niya ang alien. Ito diumano ang first contact sa alien entity.

Naisip ko, posible bang makausap at maging close friends ko din sila?

Pero ano nga ba ang itsura ng aliens? Isa-isahin natin ang kanilang uri.

Zeta Reticulli Greys. 3 to 4 feet tall, malalaki ang mata, napakaliit ng bunganga, hindi sigurado kung may ilong, at kulay silver-grey. Sila ay friendly.

Bellatrax Greys. Mas pandak kumpara sa Zeta’s. Halos pareho ng itsura sa Zeta’s.

Orion Greys. 8 feet tall. Sila naman ay unfriendly di tulad ng Zeta’s.

Pleiadeans. Makinis ang balat at blonde ang buhok (foreigner?).

Draco Mothmen. 8 feet tall. May pakpak at pula ang mata.

Deros and Teros. Sila ay nasa ilalim ng lupa at nagsa-soundtrip doon (Silence please!).

Ang topic tungkol sa aliens ay dati pa. May mga totoong nakakita na. May mga nagkukunwari lang. Gusto mo na din ba makakita?

Sa ikalawang bahagi naman, ang mga demons.

Ang demons at mga Illuminati. Ang siyensya ay laging kinukundena ng Simbahan hanggang sa mabuo ito. Naging anti-Christian sila at tinawag na “Satanista” na katunggali ng Simbahan. Malaki ang pinagkaiba ng oldskul at modernong Satanismo sa kanilang ritwal.

Ang paniniwala ng mga siyentipiko sa Diyos. Lingid sa ating kaalaman, ang mga pagsasaliksik sa agham ay daan sa ating pananampalataya. Ang maraming scientists, isa na dito si Albert Einstein ay naniniwala din sa existence ng Diyos. Hindi sila anti-Christian o Illuminati.

Marami pang nakakaaliw na topic sa librong ito tulad ng mga “Alamat ng di napapansing maalamat na bagay”, “Punkster Virus” at iba pa.  Ang mga kwento sa librong ito ay sinadyang gawing iba upang masaya lang basahin. Nasa iyo kung maniniwala ka sa mga kwento ni Werdnakram. Pwede ka na rin ba maging scientist?

Like and share :)
Author's Facebook Page: www.facebook.com/iamwerdnakram/


Comments