Disclaimer: Ang mga ideya sa book review na ito ay mula sa orihinal na akda at binuod lamang kasama ng aking review.
Maraming
bagay sa siyensya ang maaaring iugnay sa mga naitalang kasulatan sa Biblia. Maniniwala
ka ba? Marahil hindi mo pa alam ito o kulang pa ang kaalaman mo dito. Karamihan
sa tao ay hindi naiisip na nabanggit din sa Biblia ang mga tuklas ng siyensya.
Makakatulong sa iyo ang dagdag kaalaman kung ipagpapatuloy mo ang pagbabasa
nito. Narito ang mga pahayag na sumasang-ayon sa iba’t ibang sangay ng siyensya:
Paleonthology. Nabanggit
ang tungkol sa mga dinosaurs sa dalawang kabanata ng aklat ng Job.
Astronomy. Mula
sa aklat ng Genesis at Jeremias, naisalarawan ang napakalaking bilang ng mga
bituin sa langit. Ang mga siyentipiko naman ay patuloy na nagsasagawa ng
eksplorasyon para madiskubre ang marami pang bituin. Ang bawat isa din sa mga
bituin ay natatangi sabi sa Biblia. Ang galaw naman ng universe ay dahil kay
Yahweh, ang makapangyarihan sa lahat.
Metereology. Ang
sirkulasyon ng kapaligiran; ang katunayan na ang hangin ay may timbang ayon sa
principle of Fluid Dynamics sa Physics ay nasa Biblia din.
Biology.
3,000 taon na ang nakalipas, naisulat na sa Biblia ang kahalagahan ng
sirkulasyon ng dugo sa buhay. Ang “ayon sa uri nito” na nasusulat sa aklat ng
Genesis sa paglalarawan ng bawat klase ng organismo ay patunay ng reproductive
identity na alam natin ngayon. Ilan lamang ito sa pag-aaral sa pisikal na buhay
natin na parehong pinahahalagahan ng siyensya at Biblia.
Antropolohiya. Mula
sa aklat ng Job, isinasalarawan ang mga taong kweba. Patunay na ang mga
natuklasang ebidensya sa kweba ay mula sa taong nanirahan dito noon.
Hydrology. Evaporation,
atmospheric circulation, condensation, at precipitation ang tinatawag na
hydrologic cycle. Ito ang pinag-aralang proseso ng siyensya kung bakit umuulan.
Naisalarawan din ito sa magkakahiwalay na talata mula sa Biblia.
Holohiya. Ang
crust ng Earth na tinatangkang sukatin ng mga siyentipiko at ang pagtukoy ng
hugis ng mundo ay isinalarawan rin sa Biblia.
Physics. Ang
proseso ng nuclear at ang paggamit ng telebisyon ng electromagnetic waves ay
nasa Biblia din.
Ang
dalawang pananaw tungkol sa “Creation of Man” ay kung tutuusin may
pagkakatulad. Ang pitong araw ng paglikha ng Diyos ayon sa aklat ng Genesis ay
may katumbas sa siyensya. Ang Big Bang Theory at Chaos Theory ay paglalarawan
din ng paglikha sa Earth.
Maraming
kasulatan sa Biblia na hindi agad mauunawaan. Hindi mo ito mauunawaan kung
hindi mo alam ang aspeto ng siyensya. At… kung hindi mo babasahin ang Biblia. Ang
mga scientific facts na alam natin ngayon ay suporta sa katumpakan ng Biblia.
Marami pa rin namang nasusulat sa Biblia na hindi maipaliwanag ng siyensya.
Bago
pa man maisip ng mga tao ang mga konsepto sa siyensya, nasulat na ito sa Biblia.
Marahil kung inunawa ng mga siyentipiko ang mga clues ng Biblia tulad ng
tungkol sa hindi “flat” ang mundo, siguro’y hindi na sila nag-aksaya ng panahon
hanggang malamang bilog talaga ang Earth.
Isipin
mong mabuti ang mga bagay na ito mula sa libro ng Scientiscriptures. Ito ang
pagkakataong magbasa ka na ng Biblia na itinago mo pa sa baul. Nakasaad ang
eksaktong chapter at verse, tignan mo muli ang mga pahayag.
Kung
nabasa mo na, tatanungin kita, maniniwala ka na ba?
Like and share :)
Author's Facebook page:
www.facebook.com/iamwerdnakram/

Comments
Post a Comment