I am currently enrolled sa summer class ko. I'm a second year Marketing Management student at Polytechnic University of the Philippines- Quezon City Branch. I didn't fail any subject. I'm not taking a back subject neither a remedial class. Nasa curriculum talaga 'to ng course ko sa Sintang Paaralan.
I started attending my summer class last April 6, 2017.
This isn't a rant. Gusto ko lang i-share yung struggles ko. Siguro makakarelate ka sakin. Haha! Una, this is a summer class. Technically, sa tag-init na buwan, from April to May. Ang init,super!
I am commuting on a daily basis kaya naman nakakaloka pumasok sa school. Buti nalang 3 days lang ang schedule. So, every school day may routine ako. I do my makeup before pumasok. Alam mo yung feeling na todo ayos ka sa feslak mo, paglabas mo palang ng bahay, tatagaktak ang pawis mo. Haggard ka na sa biyahe palang. Pagdating sa school, tunaw na ang foundation mo girl. You feel me? I feel yah.
Kaya may munting tips mula kay Mhea, magdala ka ng blotting paper to remove the excess oil sa fes mo. Magdala ka ng pamaypay o kaya ng portable fan. Magdala ka ng tubig. Baka ka ma-heat stroke o kaya madehydrate. Mabuti na ang nag-iingat!
Another thing, kulang nalang makipagtalo at makipag-away ka sa driver ng jeep or konduktor ng bus dahil ayaw ka bigyan ng student discount. Ang halagang piso o dos ay mahalaga sa ating mga estudyante. Ipinaglalaban ko talaga yan eh. "Walang estudyante ngayon. Bakasyon na.", sabi ni Kuya. "May pasok nga ang college kuya.", sabi ko naman.Ang hirap bes. Kulang nalang ipakita mo yung registration card o kaya ung screenshot ng schedule mo sa PUP SIS eh!
Maliban dito, dahil may pasok pa rin sa eskwela, kailangan ko ng pantustos sa sarili. Kahit pamasahe lang. I tried to look for part-time job. Ipinagkait sakin ng tadhana ang call center dahil nang nakarating na ko sa phone interview, doon ko lang nalaman na... "Sorry Mariella. We cannot continue to process your application. We're looking for full-time agents." Ang sakit.
Tila flyers naman kung ipamigay ko yung CV resume ko sa mga fastfood. Karamihan full-time din ang hanap. Tapos, yung iba sasabihin tatawagan ka. Mga 3 weeks ago na rin yon. Pero sa mga oras na tinatype ko itong blog ko, wala pa rin akong natatanggap na tawag. Hahaha!
Last thing na hindi ko alam kung maiinis o matatawa ba ako tungkol sa summer class ko. May part 2 pa pala 'to! May Summer Class 2 pa kasi ang Sintang Paaralan. Ito yung transition period slash adjusting period para sa shift of university calendar to August. June hanggang July naman yun. August yung first semester. Oo tama ka, walang bakasyon! May mga gap naman ng isa o dalawang weeks dyan. Narealize ko na lahat ng bagay pala ay nangangailangan ng adjustment.
Siguro nga mabababaw ang struggles na nabanggit ko. Hindi ko naman pinoproblema. Kinukwento ko lang sa'yo. Sa totoo lang, kahit minsan tinamatad ako pumasok (seriously) kasi nakakapagod yung biyahe at saan ako kukuha ng pamasahe, naiisip kong hindi ako pwede pumetiks dahil una sa lahat, major subjects ko 'to. At saka, I always think about my personal goals in life. Totoo. If you know your goals, you'll stay motivated. Kasi gusto mo maabot yon.
Lastly, hindi mahirap mag-aral. Baka tinatamad ka lang kasi kulang ka sa motivation. Hmm...
Kung may summer class ka tulad ko, kapit lang bes. Ang mahalaga nag-aaral tayo. Madaming kabataang di nag-aaral. Kaya sulitin ang pagkakataong isa kang Iskolar ng Bayan na nag-aaral sa tulong ng buwis ng maraming manggagawang Pilipino.
Maging tanglaw ka ng bayan!
Your soon to be "kung laude", Mhea
x

Comments
Post a Comment