Helping A Friend: My Book Review of Werdnakram's "Architects of Deception: An Extensive Research on Monarch Mind Control"


Naniniwala ka ba na posible ang pagkontrol ng isip ng tao? Susubukin ng librong ito ang awareness mo sa mga bagay-bagay sa iyong paligid. Nakapaloob ang mga articles at news-story na naglalaman ng mga malalaking sikreto sa mundo. Handa ka na bang malaman?

Ibabahagi ko sa’yo ang ilan sa mga artikulong aking nabasa.

Monarch Mind Control. Kung saan 2 milyong Amerikano ang sumailalim sa sadistic na pag-kontrol ng isip.

Sa Egyptian Book of the Dead, matatagpuan ang okultismo o “tagong kaaaman” na dating practices na kahawig ng mind control ng Monarch. Ang pag-torture, panggagayuma, at paggamit ng orasyon o spells ang mga paraang inaral ng mga lihim na samahan.

Ang paraang trauma-based ay ginawa dati ni Josef Mengele na doktor sa Nazi concentration camps. Ginagamot niya ang mga inmates? Hindi. Ang totoo nyan pinag-eeksperimentuhan niya ang mga preso. Inaral niya ang pagkontrol ng isip at sila ang test subjects. “Anghel ng Kamatayan” ang tawag sa kanya.

Samantala, ipinagpatuloy ng mga Nazi ang mga technologies sa underground base ng militar. Dinudukot ang mga batang Amerikano. Matapos silang ma-traumatize, sila ay nagiging mind control slaves na ginagamit mula sex slavery hanggang assasinations.Walang kaalam-alam ang maraming tao tungkol sa pagsasaliksik na ito ni Mengele.

MK-ULTRA. Pagsasaliksik ito noong 1950 hanggang 1960. Ito ay nauna pa sa Monarch programming. Mga inosenteng Canadian at Amerikano pati mga bata ang test subjects dito. Ang pagmamanipula ng isip ay tunay na matagal ng gustong makamit ng mga tao.
Ang okultismo naman na paraan sa mind control ay nanggaling pa sa mga misteryo ng mga lumang relihiyon hanggang sa mabuo ni Adam Weishaupt ang Illuminati. Alam mo na ba ang New World Order? Ito ang layunin ng Illuminati na palawigin ang kontrol at maging amo sila ng planeta.

Alemanya at Britanya? Ang dalawang bansang nagsanib para aralin ang “eugenics” o ang pagkontrol sa hereditary factors sa pagtatalik upang mapaunlad ang human species.
Kaya pala nanatiling lihim ito dahil isinabay ang pag-eeksperimento sa kaguluhang dulot ng mga Pandaigdigang Digmaan. Mautak, diba? Nandyan ang electroshock sa mga bata, brain-washing, hipnotismo sa mga preso, at surgical experimentation. Mga kalupitang ginawa sa makasariling layunin ng mind control na ito ni Mengele.

Nabuo naman ang Central Intelligence Group (CIA) mula sa proyektong paperclip ng Amerika. Ang totoo? Maraming ilegal na aktibidad kasama na ang mind control program. Marami pang mga proyekto tulad ng CHATTER, BLUEBIRD, ARTICHOKE, at MK-ULTRA ang ginamit upang aralin ang mga techniques. Alters o file ay napapagana ng isang trigger o code na kailangan upang mamanipula ang biktima ng kanilang programmer. Ang biktima ang slave at kinikilang niyang amo ang programmer.

Tuklasin mo pa ang monarch programming sa aklat na ito. Ano nga ba ang mga teknik sa bawat antas nito? Kapag nalaman mo na ang kasuklam-suklam na proseso, baka hindi na ulit pumasok ang interes ng mind control sa imahinasyon mo.

Marami pang lihim na project at experiment na malalaman sa librong ito. Tumaas nga ang balahibo ko sa mga natuklasang kaalaman. Kung magpatuloy ang mga satanic na ritwal at trauma-based na paraan, maaari nga kayang mamayani ang New World Order? Dumadami na sila at taun-taon pang dini-develop ang programming. Hindi malayong magtagumpay sila.

Magbasa. Mabuti na ang may alam!

Like and share :)
Author's Facebook Page: 
www.facebook.com/iamwerdnakram/




Comments