Helping A Friend: My Book Review of Werdnakram's "Ang Simula ng Katapusan: Pagdating at Pamumuno ng Antikristo"



Disclaimer: Ang mga konsepto sa book review na ito ay nanggaling sa libro. Akin lamang itong binuod at ginawan ng review.

Marahil aware kang laganap na ang kasamaan sa mundo. Pero sapat ba ang kaalaman mo sa mga pangyayari sa nakaraan, pagdating ng antikristo sa ating henerasyon at ang katuparan ng mga propesiya mula sa Bibliya?

Ano nga ba ang mga anti-Christian? Ang tinatawag na New World Order o One World Government, ano nga ba talaga ito? Marami pang mga tinatawag na secret societies na may mga masasamang misyon ang nage-exist sa ating henerasyon. Tatalakayin ang kwento ng mga secret societies sa mundo na nabuo noon pa man. Nagsanib sila hanggang magkaroon ng malakas na impluwensya sa kasulukuyan.

Ipapaliwanag ko sayo ang nabasa kong ilang konsepto at koneksyon nito sa isa’t-isa. Tunay na nga bang makapangyarihan ang Illuminati? Ipagpatuloy ang pagbabasa upang iyong maunawaan.
Ang New World Order ay anti-Christ. Ang ultimate goal nila ay kontrolin ang mundo. Ang pangunahing nagpapatakbo dito ay ang relihiyon. Madami ng secret societies na nabuo. Kinokondisyon ang utak ng maraming tao sa tinatawag na “progressive conditioning”.

Siguro nabasa o narinig mo na ito pero wala ka pang sapat na kaalaman. Paano nga ba ang makamundong ambisyon ang nagdala ng giyera, kaguluhan at kasamaan sa mundo?

Alam mo ba ang mga kulto? Ang mga secret societies ngayon ay mula pa sa ancient mystery religions na ginawa ng mga elitista. Sila ang mga tinuturing na diyos dahil sa kaalamang meron sila tulad ng pag-alam sa susunod na solar eclipse. Nagamit nila ito upang mauto at simulang kontrolin ang mga taong walang alam sa science.

Kabalah. Ito ang kulto sa loob ng Judaism. May sariling paniniwala at relihiyon. Hanggang sa ngayon, ginagamit ito upang patakbuhin ang mga secret societies.

Gnosticism. Ito ang primary driver ng NWO na ang ibig sabihin ay “salvation through knowledge”. Ang paniniwalang ito ay taliwas sa Christianity na “salvation through Christ”

Knights Templar. Ito ang grupong nag-protekta sa mga pilgrims na naglalakbay simula Jerusalem patungong Holy Land o ang “krusada”. Di nagtagal, sumamba sila kay Satanas kaya ang iba sa kanila ay sinunog ng buhay sa Paris. Hanggang ngayon, ang “Order of De Molay”, ang secret society ng mga kabataan, ay ginagamit itong basehan.

Rosicrusians. Ang katuruan naman ng samahang ito ay pinagsamang paniniwala ng lumang misteryosong relihiyon at Kristiyanismo.

Freemasonry. Nagsanib ang Rosicrusians at stone mason guilds ng Europa. Nagsimula sa London ang Freemasonry na nung una ay mabuti hanggang sa sila ay nagnasa sa kapangyarihan at sumamba kay Satanas.

Illuminati. Madalas ko itong marinig. Paano at kanino ba ito nagsimula? Si Adam Weishaupt ang naglalang nito. Naging lubid ito ng Freemasonry. Sa ngayon, laganap ang pansariling layunin ng samahang ito at patuloy ang pagdami ng kanilang miyembro.

House of Rothschild. Ito ang bangko ng pamilyang Rothschild. Sila ang humawak ng pananalapi ng Illuminati. Nagpayaman din kay Jacob Frank ang koneksyon niya sa Rothschild. Ang mga Frankists ay sangkot sa French Revolution. Hanggang sa ngayon, patuloy na dala-dala ang Frankist tradition sa pagpapalaganap ng mga okulto ng mga taong may Jewish background sa Hollywood.

French Revolution. Nagsimula ito nang mag-rebelde ang mga tao noong tag-gutom sa Pransiya. Ang propaganda ng Jacobin Club na samahang rebolusyonaryo ang nagpasimula ng pagkamuhi ng mga tao sa monarkiya hanggang sa mapatay ang kanilang hari at reyna.  

Digmaang Napoleon. Sa tulong pagpuhunan ng Rothschild sa kanyang hukbo, ang maka-imperyong ambisyon ni Napoleon ay nagtagumpay nang maging hari siya ng Pransya noong 1804. Lingid sa kanyang kaalaman, pinopondohan din ng Rothschild ang kabilang panig, ang Englatera.  
Maraming mga pinunong Kristiyano sa Amerika noon. Ngunit, ang binubuo talaga ay Gnosticism na isang pagbabalat- kayong Kristiyano. Sinamantala naman ng Rothschild ang estadong pinansyal ng Amerika, sila ay nag-planong hatiin at angkinin ito.

Ang monarkiya ng Europa ay sangkot sa Freemasonry. Nang magkaroon noon ng kakulangan sa pakikipagkalakan sa Tsina, ang opium ang naging solusyon nila. Ito ang tunay na dahilan ng kayamanan na mayroon ang British Royal Family.

Sa pagpapatuloy ng Illuminati noong 1834, pinamunuan ito ng Italyanong si Guiseppe Mazzini na bumuo ng “Mazzini Autofizza Furti, Incendi, and Avvelengmeni” o ang MAFIA.  Ang mga masamang gawain tulad ng pagnanakaw, pagsusunog at paglason ay dinala sa Illuminati ng Amerika.
Ito naman ang mga tao sa likod ng mga nangyaring digmaan noon.

Si Albert Pike nagpasiklab sa labanan ng lahi base sa kulay at ng Civil War sa Amerika.

Si George W. Bush, dating president ng Amerika, ay sangkot sa “skull and bones” na itinatag ng Russell Trust ni William Russell. Ang okultong secret society na ito ay nagpapayaman sa mga negosyante sa kita sa opium. 

Si Georg Hegel, German philosopher, ang bumuo sa sistemang “Hegelian Dialectic” ng Illuminati. Kinokontrol ng gobyerno ang lipunan sa pamamagitan ng “false flag attack”. Ito ang programa ng paglikha ng sariling problema ng bansa at solusyon na lahat ay planado na. Ito ang sinunod ng mga nangyaring digmaan noong 20th at 21st century.

Ang pundasyon ng komunismong itinatag ni Karl Marx noon ay katulad sa Illuminati. Si Nikola Lenin na naging mason ang nagpatuloy sa maka-Satanas na pag-aalsa ni Marx.

Ang bankers ng Illuminati ang tumulong pinansyal sa mga bansang sangkot sa Unang Digmaang Pandaigdigan. Ganun din ang ginawa sa Pangalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ang nagpasimula sa United Nations. Ito ang pinakamalaking ginawang global round. Ang digmaan at ang solusyong pagtatag ng world government.

Ang Hot at Cold Wars sa pagitan ng Russia at Amerika, ang kapitalistang Kanluran, laban sa komunistang Silangan ay naging problema ng Illuminati.

Bilderberg Group. Itinatag noong 1954 upang mapanatiling hiwa-hiwalay ang mga rehiyon ng Europa. Ang mga maiimpluwensyang tao mula Europa at Hilagang Amerika ang nasa likod ng pagpaplano sa kinabukasan ng mundo.

Marahil alam mo rin ang 9/11 o ang pagbomba sa twin towers. Mga terorista diumano ang may kagagawan nito. Sa likod ng mga kwento sa posibleng motibo dito, ay ang mga kasinungalingan sa mga report. Planado ng mga makapangyarihang Illuminati ang mga atake at giyera. Gusto nila ng maraming giyera.

Ngayon, nalaman mo na ang pinagmulan ng mga secret societies. Ang konsepto ng Hegelian Dialectic ang ginamit sa mga giyera upang magkaroon ng higit na kontrol ang mga Illuminati. Ganoon sila naging makapangyarihan.

Ngunit, ano ang mga pahayag mula sa Bibliya?

Una, ang sampung kaharian na hahati sa mundo sa hinaharap. Ang babaeng nakasakay sa halimaw ang inilalarawan sa sistema ng one world government. Tinutukoy din ang New York na lungsod ng world government sa pahayag 18:17. Ang pagbabalat kayo ng isang diyablo ay natukoy din sa Bibliya.

Ngayon na naliwanagan ka na sa tulong ng mga kaalamang ibinahagi ng librong ito sayo,  gamitin mo ang karunungan bilang iyong pinakamatibay na sandata at kakampi. Marami ka pang malalaman sa pagbasa ng buong impormasyong nakapaloob sa librong ito.



Ang nangyari sa nakaraan ay di na dapat gayahin ninuman. Isipin mo nalang ang kahihinatnan ng masalimuot na mundo… Ang pagpili na paglingkuran ang Diyos ang maaaring solusyon sa pagpigil sa kasamaan sa mundo. At ito ay magsisimula sa iyo…

Like and share :) 
Author's Facebook Page: 
www.facebook.com/iamwerdnakram/

Comments