Helping a Friend: My Book Review of "Werdnakram Diaries"

Halos lahat ng bagay napapaliwanag na ng Science. Magbasa ka lang sa mga educational books o di kaya mag-research ka sa internet. Eh ang time travelling? Siguro minsan naisip mo na totoo kaya ang time machine? Siguro masaya maglakbay sa nakaraan at sa hinaharap? Paano nangyari yon?

Sa talaarawan ni Werdnakram na naging isang space-time traveler, maiintindihan mo ang mga konsepto. Isinulat niya dito ang kanyang mga tanong, sagot sa kanyang tanong at iba pang kaalaman na maaaring hindi mo pa alam tungkol sa sansinukob. Ang pagbabasa mo nito ay parang pagbasa mo na rin sa isang Science book. Ang science facts ay pinadaling maunawaan sa tulong ng diary ni Werdnakram.

Ang talaarawan ay isinulat ni Werdnakram ng sampung araw. Araw-araw, tinatalakay niya ang iba’t-ibang konsepto ng Physics at Astronomy maging ang mga obserbasyon niya sa paligid. Hayaan mong ikwento ko sa’yo ang ilan sa nalaman ko.


Unang araw. Kaakibat ang oras sa bawat paggalaw natin sa “space” na tatlong dimensyon, ang length, width at height sa Earth. Kaya ang Earth ay four-dimensional space-time. Napatunayan na na maaari tayong mag-travel sa space. Eh mag-travel sa time kaya? Siguro nga makakapagtravel tayo through time. 

Ayon kay Albert Einstein, kapag malakas ang gravity, ang oras ay nagiging mabagal. Nangyayari ito sa Black Hole. Samantala, sa pamamagitan naman ng wormhole na lagusan sa space-time, makakapag-travel kahit saan at sa kahit anumang panahon.

Ikalawang araw. Travelling through space? Mahirap talaga ito. Kailangan ng backreaction force ng engine ng isang spaceship para mag-recoil forward ito. “The greater the acceleration, the greater the push” Ibig sabihin, sobrang mabilis ng acceleration ng spaceship at nagdudulot iyon ng physiological problems at hindi kinakaya ng katawan ng isang space traveler ang pwersa kaya naman naimbento ang “special suits” para tulungan ang puso na patuloy na i-pump ang dugo sa katawan.

Ikatlong araw.  Ang mga konsepto sa Pisika na hindi natin narinig noong hayskul. Ang antimatter na may opposite electric charge. Ang matter at antimatter sa universe na hindi magkasingdami. Ikwinento ni Werdnakram ang pag-aaral ng mga siyentista tungkol dito pati sa quarks, thermodynamics, phase transition na nakakaapekto sa temperatura, particles at properties sa Universe. Marami ng obserbasyon at modelo sa Pisika na alam si Werdnakram ngunit palaisipan pa rin ang pinagmulan ng matter sa Universe.

Ikaapat na araw. Iniisip ni Werdnakram ang posibilidad ng pag-time travel. Ngunit naalala niya ang konseptong “river of time” ni Einstein. Ang mga equations nito ay sinubukang solusyonan  ni Kurt Gödel sa kanyang konsepto ng rotating fluid. Si Roy Kerr naman ang nagsabing di magcocollapse ang black hole. Hanggang sa maging ideya ang solusyong wormhole na koneksyon sa dalawang regions of space and time. Nakaisip na ng solusyon pero problema pa rin ang napakalaking amount ng energy at stability na kailangan para makagawa ng time machine.  Sa ngayon, nananatiling teorya pa rin ito.

Ikalimang araw. Marami pang tanong tungkol sa Universe na wala pang sagot. Sa pag-aaral sa sa cosmology, aalamin lahat ni Werdnakram. Sa tulong ng computer simulations, nagkaroon na ng mga unang material evidences sa pagkabuo at istruktura ng universe. Ito yung mga alam natin ngayon na itinuturo sa Science. Sobrang complex din ng universe kaya nga watak watak ang galaxies.

Ikaanim na araw. Ikwinento niya sa talaarawan ang mga ginawang pag-aaral sa “cosmos”, ang masungit na kalawakan. May mga ebidensiya bang nakuha mula sa obserbasyon sa mga planeta at bituin? Nagkaroon nga ba ng mga sinaunang buhay sa pulang planeta, ang Mars?  May mga extraterrestrials aka Aliens nga ba? Maraming pag-aaral na ang ginawa ng mga SETI researchers tungkol dito.

Ikapitong araw. Ang mga teorya sa cosmology tulad ng big bang at implasyon kung saan nag-stretch ang universe upang magkasya ang mga galaxies ay mga kwentong masalimuot. Isa nga lang ba ang space? O baka maraming uri ito? Ito ang mga tanong pa ni Werdnakram.

Ikawalong araw. Gumana ang malikot na utak ni Werdnakram habang nakaupo sa lagoon sa PUP. Naisip niya kung sakaling mayroong isdang scientist ang makarating sa “hyperspace” o ibabaw ng dagat-dagatan. Tulad ng tao, ang alam natin ay ang three-dimensions lamang. Naalala niya ang Unified Field Theory ni Einstein na hindi nakumpleto. Maaaring ikaw na nagbabasa nito ang tumapos sa teoryang ito!

Ikasiyam na araw. Ipinaliwanag ni Werdnakram ang kahalagahan ng cosmology kapag ito ay naging siyensya. Ipinaunawa niya ang mga nangyayari sa fundamental physics. At ang pagiging kumplikado ng mga ideya na nakuha sa mga obserbasyon ng maraming scientists na maaaring magbigay ng kabuluhan sa kaugnayan ng space at time.

Ikasampung araw. Ikwinento ni Werdnakram ang kaugnayan ng astronomiya sa Pisika. May mga kulang pang solusyon para sa quantum gravity at string theory kaya hindi pa malinaw ang konsepto ng space-time.

Ang mga ikwinento ko sa’yo ay mga main points lamang ng mga impormasyon na isinulat ni Werdnakram sa kanyang diary. Tulad ng isang talaarawan na ginagawa mo, hindi ba’t confidential ito? Ayaw mo ipabasa sa iba. Si Werdnakram, hindi niya itatago ang mga research niya dahil ang purpose talaga ng aklat na ito ay ibahagi sa publiko ang mga discoveries at facts sa Science.


Hindi ko maaaring isiwalat ang lahat ng nalaman ko sa diary ni Werdnakram. Nasa pisikal na kopya ng libro mo mababasa ang lahat. It’s your time naman para i-share ang nabasa mo. Basahin mo na rin ang kwento ng pakikipagsapalaran ni Werdnakram. Ang kwentong mangungulit sa imahinasyon mo. Gigisingin ang natutulog mong utak. Space-time travel, kaibigan! 

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Facebook page ni Werdnakram :)
https://www.facebook.com/iamwerdnakram/

Comments