“Tagu-taguan
maliwanag ang buwan. Wala sa likod… wala sa harap. Pagkabilang kong sampu,
nakatago na kayo!”
Ito
ang kanta ng mga bata na panay ang laro ng taguan umaga man o gabi. Tawanan.
Kulitan. Asaran. Minsan iyakan. Naalala mo ba bigla ang iyong kabataan? May mga
iba’t-ibang kalaro pa nga tayo noon. May alaskador. May pikon dahil lagi siyang
taya. May tahimik at iyakin.
Bawat
bata ay mga mga istorya. Pero dahil bata pa nga, wala pa namang masyadong
pakialam dito. Laro lang ng laro. Ang sarap talagang maging bata! Tunghayan mo
ang limang bata sa kwentong ito. Paanong ang laro nilang hide and seek ang
nagbuklod at siyang nagpahamak din sa kanila? Ito ang kwento.
Tuwing
araw ng Biyernes, laging naglalaro ng tagu-taguan sa likod ng bahay nila Aldos ang
limang bata. Sina Noy, Portia, Nina, Jun Jun at Aldos. Masaya ang mga bata sa
tinuturing nilang paraiso. Masisigla pa rin ang mga bata kahit gabi na. Si Noy
ang pasimuno ng tawanan. Si Aldos ang lider. Sina Portia at Nina ang laging
naaasar. At si Jun Jun naman ang tahimik na gwardya ng grupo. Kapag
nagkakaasaran na sila, si Lolo ang tagasaway at tagasitsit sa mga bata.
Narito
ang kwento ng mga batang ito.
Si
Joel na tatay nila Noy at Nina ang kasama nalang sa buhay ng mga bata. Maaga
kasi silang naulila sa ina. Sinusundo
sila lagi ng ama tuwing uwian sa eskwela.
Si
Portia at ang kanyang ate naman ay nagtitinda ng palamig na tang na may asukal upang
ipambili ng mga romance novels. Ang tatay kasi nila ay sugarol habang ang nanay
naman nila ay labandera. Tuwing uuwi ito na lasing at walang mahanap na
pagkain, magwawala ito. Tila ordinaryo na ang ganitong scenario sa mga
mahihirap na pamilya. Tumutulong na rin ang mga bata para kumita ng kakarampot na
pera.
Si
Jun Jun naman may sampung pisong baon araw-araw pambili ng paborito niyang “street
foods”. Sa kabila ng pagkahilig ni Jun Jun sa pishbol, ang kanyang buhay ay
puno ng pagkalinga mula sa ina nitong si Mona. Dating serbedora sa isang
restawran si Mona ngunit pinalayas siya ng kanyang amo nang magkamali. Ang
pagkakamaling ito ay si Jun Jun. Gayunpaman, ni minsan hindi siya sinisi ng
ina.
Tuwing
may quiz, blangko naman lagi ang papel ni Noy.
Si
Aldos ang masasabing pinakamaswerte sa kanila . Siya ay kaisa-isang anak ni
Aling Beth. Nang mamatay ang ama niyang sundalo sa Mindanao, nakuha nila ang
pensyon nito. Nagpatayo sila ng bahay at nagtinda sa sari-sari store. Ito ang
bumuhay sa kanilang mag-ina.
Isang
gabi, si Aldos na kanilang lider ay gumawa ng bagong laro na hindi siya
matataya. Laging natataya si Noy kaya siya ang nauutusan ni Aldos. Pinaakyat
siya nito sa puno ng mangga. Tinaguan ng mga bata si Noy. Pababa na sana si Noy
nang mahulog siya sa damuhan. Nakita niya ang ahas na nakaakmang tuklawin ang
kapatid niyang si Nina. Sa pagnanais na iligtas ang kapatid, hinila niya ito.
Nabagok ang ulo ni Noy at siya ang natuklaw ng ahas.
Ang
laro nilang hide and seek ang nagbuklod sa kanilang pagkakaibigan. Ngunit, sa
laro ding ito nagwakas ang buhay ng kanilang kaibigang si Noy.
Like and share :)
Author's Facebook Page:
www.facebook.com/iamwerdnakram/

Comments
Post a Comment