Bago mo ito basahin, basahin mo muna ang book review ko sa APNW Book 1. Makikita mo ito sa archive ng blogsite na ito, kaibigan!
Kung nabasa mo naman na, maaari ka ng mag-sit, enjoy, and relax!
APNW 2 BOOK REVIEW:
Posible
nga ba ang mag-travel sa nakaraan? Eh sa future? Ano kayang pwedeng gawin sa
pagbabakasaling ito? Kung minsang naisip mo na ang kakaibang adventure tulad
nito, ang kwento ng paglalakbay ni Werdnakram sa nakaraan at sa future ay para
sa’yo.Ang imahinasyon natin ay makapangyarihan. Imahinasyon na kaya kang dalhin
sa nais mong mapuntahan.
Si
Werdnakram na isang aspiring scientist at traveler ay nakagawa ng kanyang
Space-Time Machine taong 2009. Sa lahat ng pagkakataon, ang paano magsimula ang
mahirap. Tinanong nya si “Ruach Elohim”, ang kanyang voice-activated
supercomputer. Hindi pa fully maximized ang engine ng machine ni Werdnakram
kaya ang paglalakbay sa nakaraan palang ang pwede niyang gawin. Iyon din naman
ang gusto ni Werdnakram, ang mag-observe lamang. Wala siyang balak baguhin ang
anuman sa nakaraan.
Maraming
natuklasan si Werdnakram. Ang Deuterium na tinatawag ding “fuel of the future”
sapagkat ito ay natural na nage-electrolyze sa ilalim ng dagat at naglalabas ng
hydrogen gas na kailangan ng buong mundo dahil ito ay papalit sa langis kapag
naubos ito. Ang pinakamalaking deposito nito ay matatagpuan sa Pilipinas. Hindi
imposibleng kumita ng malaki dahil ang Pilipinas ang magiging tanging fuel
producer sa loob ng 40 hanggang 50 taon. Maliban sa pagiging alternate fuel ng
Deuterium, ito rin ay fuel na kailangan ni Werdnakram sa kanyang space-time
machine para makapag-travel sa future. Kaya naman, mas naging interesado siyang
maglakbay papuntang Surigao para kumuha ng samples kaya’t bumalik siya sa taong
1932.
Pinag-eksperimentuhan
ang nakuhang samples sa kanyang laboratoryo. Sa wakas, nagamit na niya ang Deuterium
fuel. Pero sa pagiging excited niyang subukan ito, hindi naging fully developed
ang ultra-dense deuterium, huminto tuloy ang paglalakbay nila sa taong 1966.
Inayos muna ni Elohim ang machine. Si Werdnakram naman ay namasyal muna sakay
ng kanyang flying motorcycle na “Hoverbike”.
Sa
kanyang paggagala, nakarating siya sa Cuneta Astrodome kung saan Game 5 na ng Finals ng PBA. Fan siya ng Ginebra.
Naisip niyang manood muna saglit sa laro. Ngunit, 4-1 na ang iskor noon at
lamang ang Alaska. Nakatabi at nakausap niya sa dome si Jose na tuwang-tuwa sa nang
manalo ang Alaska dahil magkakaroon siya ng P20,000 na ipambabayad niya sa
ospital kung saan nanganak ang kanyang asawa. Sakay ng Hoverbike, inihatid niya
ito sa opisina para at ospital para puntahan ang kanyang pamilya.
Nakabalik
si Werdnakram at na-develop na ang Deuterium. Naglakbay naman sila sa Paris sa
future year na 2019. Nakilala niya doon si Claire Rachel future Wifenakram pala
niya.
Ipinaliwanag
ni Elohim na nagdudulot ng pagkabuo ng altered version sa isang timeline ang
paglalakbay sa nakaraan o future.
Samantala, kaya nakabalik sa nakaraan si Werdnakram dahil ang space-time
machine kasi niya ay naka-multiverse mode kahit sa nakaraan o future siya
pumunta, hindi maaapektuhan ang nakaraan o future ng original timeline niya.
Ang maaapektuhan lang ay ang timeline ng pinuntahan ni Werdnakram.
Naisip
ni Werdnakram na para mas makilala si Claire, kailangan niyang makarating sa
panahon kung kelan sila unang nagkakilala. Matapos i-scan ang heartbeat ni
Werdnakram, nakarating sila sa kalawakan noong 13.7 billion years ago. At
katatapos lang ng Big Bang, mga 3 minutes ago! Gamit ng voice-activated
screencyclopedia, ipinaliwanag nito na silang dalawa ni Claire ay mga atoms na
nagmula sa iisang katawan. Bawat tao ay may “better half” o counterpart na
kukumpleto sa kanyang buhay. Si Claire ang female counterpart ni Werdnakram.
Hindi sila nagtagpo ng panahong iyon pero someday sa future ay magkikita rin
sila. Sa mga nalamang ito ni Werdnakram, mas nais niyang iimprove ang kanyang
space-time machine.
Samantala,
sa pagitan ng NGC 1409 at NGC 1410 galaxy, nabuo si Darknakram na mula sa
impluwensiya ng dark energy at dark matter. Siya ay may angking talino ngunit bipolar,
moody at may obsessive compulsive disorder. Una ay nais niyang magpadala ng
mensahe gamit ang sound ngunit walang air na magiging carrier nito sa outer
space. Kaya naman, ginamit niya ang natitirang liwanag sa galaxies upang gumawa
ng light-coded compilation messages. Sa pamamagitan ng QUASARS, ang mga unang
galaxies na nabuo 1 billion years ago, ipinadala niya ito sa Earth.
October
6, 2020. Nang maiset ni Elohim ang space-time machine sa autopilot mode,
nakarating si Werdnakram sa kanilang bahay. Kaarawan pala ng kanyang tatay.
Ngunit, wala doon ang kanyang tatay. Ang kanyang mga kapatid at ina na lamang
ang nandun. Nagtataka siya kung bakit di niya maalala kung ano ang nangyari
talaga sa kanyang ama.
Ayon
sa Digital Historecords, limang taon na palang patay ang kanyang ama. April 30,
2015 nang namatay ang kanyang tatay sa sakit na Acute Coronary Syndrome sa
Philippine General Hospital. Naisip niyang bumalik sa nakaraan upang makita ang
totoong nangyari.
Gumawa
siya noon ng memory catcher. Ang pinili niyang real-time memory ay ang
pangyayari noong April 30, 2015 upang maging battery nito. Kaya naman, wala
siyang maalalalang kahit ano sa araw na iyon.
Matapos
niyang mapanood ang mga alaala, naisip niyang maglakbay ulit sa future.
Nakatanggap ang sensor ng kanyang space-time machine ng mga light-code
compilation messages na naglalaman ng mga formulas at blueprint ng mga
super-advanced technologies.
Samantala,
sa napakalayong galaxy, matagumpay na nakalikha si Darknakram ng “Dark Hole” sa
pamamagitan ng Dark Matter at Dark Energy. Ang cosmic shortcut na ito ay
nabubuo lamang sa pag-bend sa fabric
road to Earth na nagaganap lamang every leap year. Kaya naman, pinuntahan ni
Darkankram si Albert Einstein upang sapilitang kunin ang formula para makabuo
ng space-time machine. Alam ni Einstein
na gagamitin lamang sa kasamaan kaya hindi niya ito ibinigay. Lingid sa kaalaman ni Darknakram, ilang
minuto lamang ang nakalipas matapos naman maibigay na ni Einstein ang formula
kay Werdnakram. Ito ang ginamit ni Werdnakram para magawa ang kanyang
space-time machine.
Dati
pa lamang ay uhaw na sa kaalaman si Werdnakram, nakausap niya ang dalawang
propesor sa napakalaking library. Doon niya nalaman ang “unfinished theory”. Simula
noon, naging interesado na siyang pag-aralan at alamin ang mga clues tungkol
dito. Alam niya ang Unified Field Theory na crowning achievement na sana ni
Einstein kung natapos niya lang ito bago siya mamatay.
Bumalik
si Werdnakram sa nakaraan, sa opisina ni Einstein sa New Jersey noong April 18,
1955. Nalaman niyang ang unfinished theory pala ni Einstein ay tapos na ngunit itinago
dahil alam niyang gagamitin ito ng mga tao para manira. Sa huli,pinagkatiwalaan
siya at ibinigay sa kanya ang mga formulas.
Pagkabalik
sa kanyang laboratoryo, nalaman niyang makakagawa siya ng Space-Time Machine mula
sa mga formulas ni Einstein ngunit may “missing link” na kailangan. Ito ang mga
holeiitic samples na matatagpuan sa Easter Island mula pa 2000 years ago.
Naglakbay
si Werdnakram patungo dito. Nakilala niya ang ang hari na si Hotu Matu’a. Nakilala
niya si Moai, ang tanging taong nakakaalam sa pagpunta sa gitna ng lugar na
iyon upang makakuha ng holeiitic samples. Nakita niya si Ruach Hakkodesh na
naghihintay pala sa kanya.. Maya-maya, nakabalik na siya sa laboratoryo dala
ang mga holeiitic samples.
Sampung
taon ang lumipas, sinugod ng mga aliens ang Easter Island. Kinuha si Moai at
pilit na kinukuha ang mga formulas galing kay Werdnakram. Di nila ito nakuha
kaya ginawan si Moai ng 900 na estatwa. Sa pagnanais ng mga aliens hanapin si
Werdnakram, naglakbay sila sa buong mundo kaya may mga UFO sightings.
Kailangang
hanapin niya pa si Al Bielek na nasa Philadelphia Naval Shipyard, July 22, 1943
bago matapos ang space-time machine. Naglakbay at nakita niya doon ang USS
Eldrigdge at mga siyentista na nag-eeksperimento. Suot ang kanyang Speedlight
Jacket, nakarating sa loob ng barko at nakausap na niya si Al Bielek na
kaibigan pala ni Einstein. Sinabi niyang ginagawa nila ang eksperimento para
mapatunayan ang “invisibility” at “teleportation”.
Kasama
ng formulas, invisibility at teleportation na itinuro ni Al Bielek, tinapos niya
ang space-time machine upang iligtas ang Easter Island. Nahanap nila at winasak
ang estatwa ni Moai. At sa wakas, nagkausap sila.
Nagawa
rin nila ng matagumpay ang operasyon na i-reverse ang ikot ng core ng Earth sa
pamamagitan ng pagbaligtad sa magnetic north at south ng Geomagnetic Reversal. Panghuli,
kailangan naman hanapin ang “hidden portals” sa Bermuda Triangle.
Kaya
noong December 5, 1945, ang timeline na nahanap nila para mag-travel doon, sinundan
nila ang U.S Navy TBM Avenger. Sinubukan nila ang Wiretapping para mapakinggan
ang pinag-uusapan ng Control tower at Flight 19 instructor. Narinig nila na
hindi gumagana ang compass ni Taylor at tila sinusundan siya ng mga galing sa
outer space.
Nasira
din ang GPS at compass nila hanggang sa marating nila ang Black Hole. Sinundan
nila ang Bimini Road at nakarating sa Atlantis, ang modernong siyudad sa ilalim
ng dagat. Nagtagpo si Werdnakram at Bellatrax Grey Alien. Ang lugar pala na
iyon ang teritoryo ng mga alien. Sinamantala naman nila Ruach Hakkodesh at Moai
ang pagkakataon para iligtas ang mga binihag na mga tao mula sa Easter Island.
Pinipilit
kunin ni Bellatrax ang mga formulas kay Werdnakram ngunit dahil sa Geomagnetic
Reversal na ginawa na ni Werdnakram, nasira ang mga fuel engines ng mga
spaceship nilang mga aliens. Walang nagawa si Bellatrax.
Matagumpay
na nailigtas at naibalik sa Easter Island ang mga tao pati si Moai.
Matapos
ang lahat ng adventure ni Werdnakram, bumalik na rin siya sa kanyang
laboratoryo.
Kung na-enjoy mo ang kwentong ito. Visit Werdnakram's Facebook page
https://www.facebook.com/iamwerdnakram/
https://www.facebook.com/iamwerdnakram/

Comments
Post a Comment