Una sa lahat, WELCOME BACK MHEA!!!
Binibuhay ko na naman ang blogsite na ito dahil sa pagkakataong ito na nakasulat na naman ako!
Ito ang unang pagkakataon na gumawa ako ng Book Review na hindi para sa requirement ko sa school. Naalala mo nung high school ka, sa English subject mo madalas book review ng isang napili mong novel ang project nyo, diba? Kapag college naman, kapag walang maipagawa ang professor, book review din. Hmmm, totoo naman eh!
Kapag requirement, hindi mo ma-eenjoy ang ginagawa mo. Kasi basta may maipasa ka na nga lang. kaya mo ginagawa e. Kaysa ma-incomplete ka sa subject. Aminin mo! Haha!
Sa pagkakataong ito, nais kong ibahagi sa'yo ang ginawa kong ito. Ito ay bilang pagtulong ko na i-share sa'yo ang obra ni Kuya Mark Andrew Manao, PUPian din tulad ko. Marami pa kong book reviews na ibabahagi.
APNW 1 BOOK REVIEW:
Sa
mga oras na wala kang magawa, bakit hindi ka magbasa ng mga librong may mgakwentong
kukulit ng imahinasyon mo? Ang Werdnakram na ibabahagi ko sayo ay isa sa mga
librong magpapaandar sa utak mo. Maalala mo yung mga terms at concepts sa
Physics nung high school ka pa. Nandyan ang formula of speed, weight at gravity
pati na rin ang teorya ni Albert Einstein. Nahalo din ang konsepto ng solar
system pati na rin ng Biology. Naalala mo pa ba yan? Ito yung mga science facts na nasa libro na.
Ang pinaka-interesting dito ay ang pagta-time travel ni Werdnakram. Ang paggawa
niya ng space-time machine na magdadala sa kanya sa maraming lugar.
Alam
mo ba kung totoo ang time travelling? Hindi ko rin kasi alam eh. Pero sa
pakikipagsapalaran ni Werdnakram, we will know how our imagination works. Sa
paglalakbay niya, marami din siyang natuklasan. Ano ang mga nadiskubre niya sa
pagta-time travel? Alam kong gusto mo din malaman! One day, ang mga science
fiction will exist into reality na rin. How exciting!
Taong
2011 nang simulan ni Werdnakram ang kanyang adventure. Dalawa silang astronaut
na nasa likod ng isang eksperimento. Si Werdnakram ang ipinadala sa outer
space. Samantala, ang isang astronaut na kasama niya ay itago nalang natin sa
pangalang Astroboy ang naiwan naman sa Earth.
Ito
ang eksperimento para patunayan na maaaring pabagalin o pabilisin ang oras.
Alam mo ba na ang Earth na ginagalawan mo ngayon ay four-dimensional
space-time? Ang nakikita ng ating naked eye ay ang tatlong visible dimensions
namely the length, width at depth. Pero ayon kay Albert Einstein, may kulang pa
dito. Ito ang time o oras. Sa bawat paggalaw kasi natin apektado ang oras.
Ngayon alam mo na, ipagpatuloy na natin ang kwento.
Sa
ginawang experiment, nalamang magkaiba ang oras sa outer space at sa Earth. Ito
ay dahil pagbalik ni Werdnakram sa Earth, buong akala niya ay 2014 palang.
Akala niya tatlong taon lang siyang nawala. Pero anim na taon na pala ang
nakalipas, 2017 na.
Nais
sanang bumalik ni Werdnakram sa present time upang ibalita ang mga nalaman niya
sa future. Nagkamali siya ng pindot sa kanyang ginawang space-time machine.
Nakarating siya sa malaking farm na napag-alaman niyang may mga nakatanim na mga
Genetically Modified (GM) crops. Nagulat siyang napapaligiran siya ng mga malalaking
patatas. Maraming gulay pa ang pinag-eeksperimentuhan doon. Tinuturukan ng mga
genes upang maging kakaibang gulay. Nalaman niyang delikado ang mga ito sa tao
dahil nakamamatay ang kemikal. Hindi lang gulay, meron ding Genetically
Modified Organisms (GMO). Ito naman yung mga hayop na kakaiba na ang itsura.
Hindi
nga malayong mangyari ito sa future. Naiisip mo ba kung gaanong ang modern
technology ay nakakaapekto din sa pag-ikli ng ating life span? Ang mga kinakain
natin ay magiging chemicals na.
Dahil
sa angking talino ni Werdnakram, bigla siyang nakakaisip ng mga science
concepts. Ang gravity na invisible force sa solar system na humihila sa mga
planeta papunta sa gitna. Ito ang dahilan kaya sila ay umiikot sa center of the
solar system, ang pinakamassive sa lahat, ang Sun.
Nag-time
travel naman si Werdnakram sa nakaraan, sa panahong isinusulat niya palang ang
libro niyang “Reincarnation of a New Born Pride”. Ang nakikita ng past
Werdnakram ay isang alien at UFO. Ito ang future Werdnakram at ang space-time
machine. Hindi sila magkaintindihan. Gusto pa naman sanang sabihin na agad ni
Werdnakram ang mga sikreto sa paggawa ng space-time machine. Pero hindi pwede
sa pagta-time travel iyon, hindi mo mababago ang pangyayari sa nakaraan.
Pabalik
na sana si Werdnakram sa present time dahil nabigo siyang kausapin ang sarili
niya nang bigla siyang hilahin ng napakalakas na gravitational force. Dinala
siya nito sa black hole sa Milky Way galaxy. Pinilit
niyang kumuha ng signal para makakonekta sa kanyang supercomputer sa Earth.
Nalaman niyang kailangan niyang magpadala ng mga particles sa isang diyamanteng
planetang tinatawag na “cosmic diamond” o “Lucy”. Sa tulong ng teleportation,
matagumpay niyang nagawa ang operasyon at nagamit na pang-bara ang cosmic
diamond sa Black Hole. Natuklasan din niya ang fountain of antimatter sa gitna
ng galaxy. Maaari pala itong gamitin sa masama. Kaya naman, kumuha ng sample si
Werdnakram. Pag-aaralan niya ito sa kanyang laboratoryo sa Earth.
Pabalik
na sana siya nang pigilan ang kanyang pag-travel in time dahil sa fluctuations
of energy bunga ng sumabog na Supernova. Humiga si Werdnakram sa kanyang
anti-gravity bed habang naka-set sa autopilot mode ang space-time machine.
Gamit ang artificial gravity, nakapaglakbay siya ulit.
Narating
niya ang top secret facility ng Amerika, ang Shutter Island. Sinisimulan na
pala ng mga Illuminati ang katakot-takot na proseso ng human brain scarring.
Ang mga biktima ng eksperimentong ito ay ang mga bata. Ito ang kanilang Mind
Control Experiment Research para ma-manipulate ang buong sangkatauhan.
Nag-time
travel si Werdnakram sa future. Taong 2026, nasa high-tech library siya sa New
York. Nalaman niya ang Fountain of Youth na sikreto sa hindi pagtanda, ang
Telomerase na proseso ng paghati ng mga cells hanggang sa tumanda at mamatay
ito. Hindi ito tulad ng cancer cells na hindi nahahati kundi dumadami pa sa
katawan. Hindi ito mapigilan na nagiging sanhi ng pagkamatay ng isang tao.
Sa
pag-aaral natin ng Biology, alam natin na ang mga cells ay may repair mechanism
pero mabagal ito habang tumatanda ang tao. Inaalam ngayon ang genes na maaaring
makapagpabilis dito. Ito ang sikreto sa Fountain of Youth na maaaring gamitin
ng masasamang tao para maging imortal at makontrol ang sangkatauhan.
Nag-travel
back in time si Werdnakram sa taong 1954. Sa Bilderberg Hotel, nagpupulong ang
mga makapangyarihang tao sa buong mundo. Gamit ang “Invipossible”, ang
invisibility application na inimbento niya, nakapasok siya sa loob ng function
hall ng hotel. Narinig niyang pinag-uusapan nila ang kanilang pagpaplano sa
pagkontrol sa mundo gamit ang kanilang pera.
Sinubukang
bumalik ni Werdnakram sa taong 2013, natuklasan niya ang isang underground
facility sa Virginia. Sa pag-travel naman niya sa future, nalaman niyang ito
pala ang relocation site na maaaring pagdalhan sa maraming tao kapag dumating
ang national disaster.
Sa
huli, binalikan ni Werdnakram ang petsa ng kanyang kapanganakan. April 6, 1985
sa Bagong Silangan, Quezon City, nakatira sina Dante at Boding. Nakilala ng
kanyang mga magulang si Werdnakram na nanggaling sa spaceship. Ang spaceship na
ito ang nagdala sa kanila kay Aling Puring upang maipanganak ang batang
lalaking si Mark Andrew. Matalino ang
batang ito.
Nagsimula
ang pagkauhaw niya sa kaalaman noong pitong taong gulang siya nang marating
niya ang napakalaking library. Naisip niyang mayroong isang may-akda ng mga
librong nasa iba’t-ibang lenggwahe at mayroon ding misteryosong pagkakaayos
ito. Taong 2009 naman nang dalhin ng isang UFO sa kanilang bahay ang
time-capsule. Dahil bata pa siya noon, hindi pa niya naiintindihan ang note
doon na “How to Build a Time Machine”. Kinuha niya ang kursong BS Physics sa
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Doon niya nalaman ang ibig sabihin ng
mga formulas sa holographic paper na nasa time-capsule.
At
sa wakas, naimbento na ni Werdnakram ang kanyang Space-Time Machine.
Nagtagumpay ang pitong taon niyang pananaliksik. Magsisimula naman ang kanyang
mga marami pang paglalakbay…
Kung na-enjoy mo ang kwentong ito. Visit Werdnakram's Facebook page https://www.facebook.com/iamwerdnakram/


Comments
Post a Comment