One More Chance pa ba?

"Minsan, it’s better for two people to break up so they can grow up. It takes grown-ups to make relationships work."

 "Baka kaya tayo iniiwan ng taong mahal natin kasi baka merong bagong darating na mas mamahalin tayo. Yung taong di tayo sasaktan at papaasahin. Yung isang tao na magtatama ng mali sa buhay natin." -Popoy

"Ako. Ako yung problema. Kasi nasasaktan ako kahit di naman dapat ako nasasaktan. Sana kaya kong matiis yung sakit na nararamdaman ko." -Basha to Popoy

"Masaya ako para sayo. Sana kaya ko pero hindi eh. Ang sama sama kong tao kasi ang totoo umaasa pa rin akong sabihin mo sana ako pa rin. Ako nalang. Ako nalang ulit." Basha to Popoy

Yan yung mga HUGOT LINES na kahit ilang beses mong mapanood yung pelikulang "One More Chance" siguradong makakarelate ka. Nung pinanood ko 'to isang beses, humagulgol talaga ako. Kaloka! Hindi dahil nakarelate ako ha? Masyado lang nakakadala yung mga eksena.

Isa sa mga best romantic Filipino movies na napanood ko 'to. Realistic at hindi plastik.

Oo. Tama si Popoy. Kaya tayo iniiwan kasi may darating na bago. Darating sila para iwan ulit tayo? Hahaha! Hindi naman siguro. Magtiwala ka.

Sa totoong buhay, hindi lang naman one more chance eh. Two more chance, three more chance at many more chances pa! Minsan dahil sa sobra nating pagmamahal sa isang tao, masyado tayong nagiging martir. Masyado tayong nagiging mabait na umaabot pa sa punto na naaabuso tayo pero okay sige lang. Go with the flow. Kahit gaano kahirap, titiisin mo. Bakit? Kasi mahal mo. Ayaw mong mawala sayo. Pero darating yung araw na ikaw na mismo yung matatauhan kung bakit ba masyado kang nagpagamit at nagpaabuso. Ngayon nahihirapan ka. Kung una palang bumitaw ka na, hindi ka na mahihirapan.

May mga tao kasi na masyadong mapang-abuso. Excuse me? One chance is enough. Wag magpakatanga. Mahalin mo rin yung sarili mo. Don't forget to fall in love with yourself first. Kaya ngayon inlove na inlove ko sa sarili ko. Mwehehe.

Bago ko makalimutan, may sinabi pa si Popoy. "Bash, hindi mo ba alam yung three-month rule? Lahat ng taong nainlove at nakipagbreak alam yon. Maghihintay ka muna tatlong buwan bago ka makipagboyfriend ulit. Hindi mo alam yon?!"

Sorry Popoy :(

Oo. Nakakawalang tiwala. Once na niloko ka ng isa, nilalahat mo na. Nagkakaroon ka ng takot na maulit yung dati. Siguro kasi takot ka ng maabuso, masaktan at magpakamartir. Pero maiisip mo rin isang araw na wala ng "Sana ako nalang ulit. Sana tayo nalang ulit." Kasi nakamove on ka na!

Isang araw, marerealize mo na tama yung desisyon mo. Wala ka ng dapat ikatakot kasi may dumating na. May dumating na alam mong hindi na katulad nya. At sana tama ka. Sana di ka na magkamali. Sana sya na nga.

Ngayon, may sequel pa ang One More Chance! Isa 'to sa mga must watch movie. Nakakabilib talaga ang Popoy at Basha loveteam!  Kaya lang nag-aaway na naman sila sa teaser video. Ako nalang kaya magbayad ng kuryente nila? Hahahahahaha.

“Hindi na ako sigurado, Basha. Hindi na ako sigurado na tama bang nagkabalikan tayo.” -Popoy


Yung mga ganitong linya kapag nag-aaway , hindi mo alam kung maiinis ka e. Pero tama bang kuwestiyunin kung tama bang nagkabalikan kayo?

After all, kamusta na kaya talaga ang married life nila Popoy at Basha? :) Abangan natin sa sequel movie.

Para sakin, one more chance pa ba? Hindi. Hinding hindi na :)

P.S. Sobrang fan kami ni mama nila Bea and John Lloyd :)



Comments