Consistency of Love

Walang forever?

Palagi ko nalang naririnig yan kahit saan ata ako magpunta. Minsan nakita ko pang nakasulat sa pader. Nakahashtag pa yan sa mga status sa facebook. #Walangforever #Mayforeverba Hashtag rinding rindi na ko.

Madalas mga single at bitter ang naririnig kong nagsasabi nyan. Bakit kaya big deal kung may forever ba? Sana mas inuuna natin yung problema ng bansa natin, hindi ba? Pero let's set that aside, gusto ko lang magbigay payo slash paalala slash kwento na rin para masaya. Sana may matutunan ka :)

"True love waits," ika nga nila.

Do not look for love, love will look for you. Tama na ang kakahanap sa soulmate mo. Tama na ang paghihintay. Tama na ang pag-iilusyon. Tama na ang kakaasa. Love will look for you. Hindi ikaw ang maghahanap sa kanya.

Kapag dumating na sya, don't miss the opportunity. Wag kang matatakot. Kung nasaktan ka noon, wag mong isiping sasaktan ka nya ulit. Hindi sila pare-pareho. Alam kong madalas maitatanong mo sa sarili mo, "Baka lokohin lang nya ako at hindi sya nagsasabi ng totoo. Seryoso kaya sya? Baka katulad rin sya ng iba."

Oo. Mahirap. Mahirap magmove on. Mahirap magtiwala ulit. Hindi madali. Wag kang mag-alala dahil hindi lang ikaw ang nakakaranas nyan. Kung naranasan mo mang masaktan at mabigo sa pag-ibig dati, mas dapat mo pa ngang ipagpasalamat yan dahil alam mo na ang pakiramdam at alam mo na ang gagawin sa susunod. At isa pa, pasalamat ka dahil nailayo ka sa maling tao.

Sa kabilang banda, ano nga ba ang tinutukoy kong "Consistency of Love?" Yan yung bagay na nawala sa mga mga dating magkarelasyon, yung salitang "consistency." Yan yung isang salita na napakahalaga sa isang relasyon para magtagal. Sa madaling sabi, pang-maintenance. Parang sa pag-inom ng gamot, kailangan ng maintenace para tumagal pa ang buhay mo.

Sa simula ng love story ng magkakarelasyon, siguradong may ligawan stage, hindi ba? Wag muna nating i-consider yung mga kabataan ngayon na hindi na ata dumadaan sa lebel na yan kaya hindi sila nagtatagal e. Sa courtship level kasi ng dalawang tao, malalaman nila ang ugali ng bawat isa. Doon sila magkakasundo, magkakadevelopan at magkakatuluyan.

Sigurado akong alam ng mga babae ang iba't ibang gasgas na linya ng mga lalaki na, "Wag mo kong itulad sa kanya. Iba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko. Hindi kita lolokohin. Mahal na mahal kita." Sana kapag sinasabi 'to ng mga lalaki, may kaakibat 'tong paninindigan. Sana katumbas ng pagsisinungaling nila ay kabawasan rin sa buhay nila. Hahaha. Hindi naman siguro pagiging sadista, ano po? Marami na kasing manloloko. Naglipana sila kung saan-saan. Sana hanggang sa pagtagal ng panahon ay mapanindigan nila ang lahat ng sinasabi nila. Hindi yung sa una lang sila ganyan at magaling magsalita. Consistency! Consistency ang sinasabi ko.

Consistency of love. Importanteng i-prioritize yan para sa ikakabuti ng dalawang taong nagmamahalan. Kung paano nyo nakilala ang isa't isa noong una at kung paano kayo tuwing magkasama noong una, dapat ganun pa rin kahit na gaano na kayo katagal. Hindi naman yun mahirap Marami kasing mabilis magsawa. Marami kasing natutukso. Maraming mabilis mawalan ng consistency.

Communication. Isa pa yan sa napakahalagang bagay na parehas nyong dapat alam. Parehas na dapat nasa bokabularyo ninyo. Maliban kasi sa pagtitiwala, importanteng nakakapag-usap at nakakapagbigay kayo ng oras sa isa't isa gaano man kayo kaabala sa kanya-kanyang gawain sa buhay. Dahil kung wala yan, mawawala rin ang sinasabi kong consistency of love.

"10 years from now, ano na kaya tayo?", kapag nag-uusap sana kayo ay maging pareho kayong futuristic. Sobra kasing nakakagaan sa pakiramdam kapag alam nyong pareho kayong may plano for the future. Pareho kayong may lifetime goals! Ayiee :'>

Pero tandaan mo na hindi ka magiging consistent kung hindi ka passionate. Magiging passionate ka lang kung talagang seryoso ka. Always do your best efforts. Ang pinakamahalaga sa lahat ay God-centered relationship. Put God first to make your relationship work.

Walang perfect relationship. There are a lot of imperfections and flaws. But when honesty, loyalty, positivity and communication are present, the relationship will feel like it's beyond perfection. Sobrang masarap yung ganung feeling.

Consistency is needed in all kinds of relationship not just in romantic ones :) Spread love!






Comments